Kung lahat ng bansa'y matipon Haharap sa paghuhukom, Pa'no tayo tatayo roon Kung ilagda na ang hatol?
REFRAIN
Ang trigo'y titipunin sa bangan Ngunit ang ipa'y babayaan, Alin ang ating kalalagyan Kung dumating na ang araw?
Sa atin kaya ay sabihin: Kayo'y tapat na alipin, O sa takot at pagkalagim Ay matataoon sa dilim?
Buong tuwa Niyang mamasdan Ang bawa't may tandang taglay Sila ay Kanyang bibihisan Ng ganda ng kalangitan.
Magpuyat tayo at maghintay, Laging ningningan ang ilaw, Nang kung tumawag ang kakasal Ay masalubong sa daan.
Mamuhay ng tapat sa Kanya Magtyaga sa panig Niya. Matapos ang ating lakbayin Sa Kanya tayo'y akayin.